A Story of a Working Student

Paumanhin, mahaba. Pero gusto ko lang mag-kwento.

While decluttering … gosh ilan ito sa mga nakita ko! Mahilig kase ako mag tago ng mga bagay na may sentimental value. Sabi nga ng Lola Ko, ‘wag na ‘wag makalimot lalo na sa mga taong tumulong sa’yo. Naiiyak ako habang tinitingnan ko ‘to. Ang daming puyat, pagod – physical, emotional, mental at financial na din. Haha! Kaya nga ko nag self-supporting student dahil kapos sa pera. Naging scholar naman ako, pero di kinaya (haha) kaya kailangan kumayod. Pero s’yempre di ako pinabayaan ng pamilya ko – malaki ang pasasalamat ko sa kanila.

Taong 2000 pala nag start na ako mag trabaho at magbayad ng tax! Haha ! First time ko sa Video City P. Tuazon, walking distance lang sa bahay. Sa iba, sumasakay ng tricycle pero sakin lakad lang. hahaha.. Actually minor age pa ako nun, kaso pineke ko application (sorry) pero gusto ko talaga magtrabaho na para may pang tustos. Kaso nagsara ang franchise, buti na lang isa sa regular customer namin ay Manager sa Pizza Hut.

Ayon, sya naging daan para makapasok ako sa Pizza Hut na bagong bukas nun sa Bridgeway Megamall. Di ko makakalimutan, natakbuhan ako ng customer na nag order ng dalawang Family Cheesy Crust Mexican Pizza. Kalurkey na charge sakin! Ang kawawang pulubi. Hahaha.. Ito pa, sobrang loyal ko sa Pizza Hut pati sa pag tulog suot ko pa uniform ko – yung gray pants at checkered na polo. Haha.. sa pagod, pagdadating ng bahay bagsak na! I can still vividly recall, Saturday nun, opening ako, yung sinakyan ko ordinary bus luma na, lumusot sa butas ang kaliwang paa ko nung pababa na ako. Huhubels kaya ito may souvenir naman ako – peklat!

Nag-resign ako kase supposedly mag full-time student na ako. Yes! Sa wakas! Hahaha… Kaso di pa din pala kaya… sige, apply ulit sa Max’s sa North EDSA, 4th year na! Yes, Lapit na. Malapit na matapos Bes!

And the rest is history. Sa wakas nakatapos din! Haha.

Sa lahat ng mga naging managers ko, kayo ang mga Angels na pinadala ni Lord sakin noon. Sa mga taong nagpa-utang at di na nag pabayad, God bless you. Di ko kayo nakakalimutan. Alam nyo na kung sino kayo. Sa 3 boys na close friends ko ng college na tumutulong sa mga assignments ko — at pati sa mga test.. hahaha. Sa mga oras na nakakatulog na lang ako at wala ng maisagot- dahil 3AM na po ako nakakauwi (closer kase ako) — nakaka-iyak na nakakatawa. Pero kahit papano, naka survive din! Gusto ko talaga makatapos. Salamat sa lahat ng tumulong sa’kin.

Sa kapitbahay ko na palagi ko hinihiram ang sapatos pangpasok. Hahah. Salamat po. Sa rubbershoes ng kapatid ko na pilit ko pinagkakasya para sa PE class ko. Masakit ha, pero pwede naman pala tiisin. Hahaha.. Ayy teka makakalimutan ko ba ang classmate ko na lagi ako nililibre dahil wala ako baon. Haha.. eh yung nag 123 ako sa Jeep dahil wala ako pambayad.. (sorry mamang driver) God bless you all!

Sa hirap na dinanas ko noon – nag silbi itong inspirasyon para mabago ang buhay. Yung mga araw na tutulo na lang ang luha ko dahil naawa ako sa sarili ko, mga araw na kumakalam ang sikmura ko dahil tinitiis ko ang gutom, mga araw na walang tulog, tumatak sa isip ko na balang araw, malalagpasan ko to at magiging matagumpay din ako.

Wala ako karapatan mag complain Lord, dahil sobra-sobrang blessings na binigay at binibigay mo kapalit ng mga paghihirap… grateful beyond measure dahil di mo ako/kami pinabayaan.

Totoo talaga ang promise ni Lord, kaya ito ang paborito ko na bible verse – Jeremiah 29:11:

For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Sobrang madaming mabait na tao sa mundo. Salamat Panginoon! ❤️

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.